Natagpuang granada sa Barangay Cembo, Makati – walang black powder

43

Manila, Philippines – Kinumpirma nang Southern Police District na walang lamang black powder ang natagpuang granada kaninang umaga sa Brgy. Cembo, Makati City.

Ayon sa mga awtoridad, may butas ang granada at wala itong kakayahan na sumabog.

Tinukoy rin ng SPD na “dummy” lang ito at para sa lecture purposes.

Nauna rito, isinara ng Makati Police ang Ipil St. Sa Brgy.Cembo matapos mamataan ang isang granada pasado alas siete kaninang umaga sa tapat ng isang bahay sa lugar.

DZXL558

Facebook Comments