San Antonio Spurs, muling lumamang sa Houston Rockets

46

NBA – Umarangkadang muli ang San Antonio Spurs matapos nitong talunin sa overtime game kanina ang Houston Rockets sa dikit na score na 110-107.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Antonio Spurs para umusad sa Western Conference Finals sa inaabangang game 6 sa Biyernes sa homecourt ng Houston.

Ang panalo ng Spurs ay sa kabila ng tinamong injury ng kanilang superstar na si Kawhi Leonard sa third qurter at hindi na nakapaglaro sa overtime game.

Sa ngayon wala pang kasiguraduhan kung makakalaro si Leonard sa game 6 dahil sa injury.

Samantala inaantay pa ng Golden State Warriors ang resulta ng serye.

DZXL558

Facebook Comments