Natagpuang granada sa harapan ng isang eskwelahan sa Recto Maynila, na-clear na

180

Recto, Maynila – Nagdulot ng takot sa mga estudyante ang natagpuang granada sa harapan ng University of the East sa Recto, Maynila.

Ayon sa Explosive and Ordinance Division o EOD ng Manila Police District, dakong 5:40 ng umaga nang makita ng gwardiya ang granada kaya’t agad na ini-report ito sa pulisya kaya kinordonan ang lugar.

Mabilis na rumesponde ang mga otoridad at pasado alas-sais ng umaga ay na-clear na ang lugar at tinanggal na rin ang kordon.


Inaalam na rin kung sino ang nasa likod nito habang tuloy naman ang pasok ng mga estudyante ng ue sa kabila ng nangyari.

Facebook Comments