NATAKAM? | Lalaki, arestado matapos magnakaw ng gatas sa isang grocery sa Quezon City

Quezon City – Sa kagustuhan makatikim ng gatas, kalaboso ang isang lalaki matapos itong magnakaw sa isang grocery sa Barangay Greater Fairview, Quezon City.

Sa ulat, nagpanggap na customer ang suspek na si Jobert Azonas, 28-anyos, kung saan napansin ito ng guwardiyang si Maria Elenita Arroyo na may isinilid sa bag.

Dito na niya sinundan ang suspek at nang hindi magdaan sa cashier ay kaniya itong hinarang.


Nang buksan ang bag ay dito na nakita ang dalawang gatas na nagkakahalaga ng mahigit sa P3, 000.00.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang pagnanakaw at inaming gusto lamang niyang ma-experience na maka-inom ng gatas na pang-adult.

Facebook Comments