ATIVAN GANG | Chinese national na nagdiriwang ng Chinese New Year, nasagip ng pulis Makati mula sa modus ng isang grupo

Manila, Philippines – Arestado ang 6 na pinaghihinalaang miyembro na Ativan Gang matapos mangbiktima ng isang Chinese National na nagdiriwang ng Chinese New Year.

Kinilala ang mga suspek na sina Loraine Roa, Analyn Castro, Heraclea Sison, Aurora Balais, James Soriano, at Lyzander Cantoria na siyang driver ng taxi.

Ayon sa Makati Pulis, nagpapatrolya sila sa Buendia,Barangay Palanan nang makita ang isang dayuhan na parang napipilitan sa kanyang ginawa sa harap ng ATM Machine.


Habang nagwi-withdraw ng pera, katabi nito ang 2 babae habang may nakaabang na taxi sakay ang 2 pang babae at 2 pang lalaki.

Nang lapitan ang dayuhan, agad pumulas ang mga babae pero nang ito ay abutan at kapkapan, nakuha ang isang tableta ng valium, boodle money, at cellphone.

Nabasa sa narekober na cellphone ang ilang text message sa lakad ng mga suspek, at transaksyon kaugnay sa kanilang target.

Lumalabas na nasa China Town Binondo ang biktima na si Zhu Cao nang lapitan siya ng mga babaeng suspek at nakipag-inuman.

Pinilit umano siyang mag-withdraw ng pera at dinala sa bahagi ng Makati.

Ayon sa pulisya, modus ng Ativan Gang na lasingin o painumin ng tableta ang biktima hanggang sa mawala na ito sa tamang katinuan tsaka kukunin ang gamit o pera ng biktima.

Facebook Comments