China – Instant social media sensation ang isang Chinese male teenager matapos na mag-apply sa isang Women’s University sa Beijing.
Kwento ng 18-anyos na binatilyo, gusto niyang mag-aral sa isang Women’s University dahil gusto niyang tumaas ang tiyansa niyang makahanap ng girlfriend!
Alam naman natin na kilala ang China sa one-child policy nito kung saan karamihan sa mga probinsya ay may populasyong 130 ang mga lalaki habang 100 lang ang mga babae.
Ibig sabihin, 30 sa mga lalaki ang posibleng hindi makapag-asawa dahil sa kakaunting bilang ng mga babae.
Kaya sa takot na hindi magkaroon ng “forever”, nagdesisyon siyang pumasok sa naturang unibersidad.
Mahigpit naman ang payo sa kanya ng kanyang ama na mag-ingat sa pagsama sa mga babae dahil baka raw bigla siyang magbago sa sarili.
Nabatid na 15 lalaki lang ang tinatanggap sa Women’s U sa Beijing kung saan makakasama nila ang nasa 1, 500 female students.