Hindi na itinuloy ni Senator Antonio Trillanes IV ang plano niyang paglabas ng Senado para umuwi matapos mapatunayan na nananatili ang tangkang pag-aresto sa kanya.
Ayon kay Trillanes, matapos i-anunsyo ng media ang planong niyang pag-uwi ay nadagdagan kaagad ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagbabantay sa labas ng gate ng Senado.
Kuwento pa ni Trillanes, nang lumabas ang kanyang sasakyan para magpagasolina ay sinundan ito ng mga nakasibilyang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Binanggit din ni Trillanes na nang lumabas noong Miyerklues ng gabi ang kanyang sasakyan ay may mga sumunod din ditong naka-motorsiklo.
Dagdag pa ng senador, may warning din siyang natanggap mula sa AFP arresting units na talagang huhulihin siya dahil pa rin sa pagpapawalang bisa sa kanyang amnesty ni Pangulong Rodrigo Duterte.