NATANGGAP NA | Listahan ng mga bagong public prosecutors, hawak na ni Justice Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Natanggap na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang listahan ng panibagong batch ng mga public prosecutor sa ibat-ibang tanggapan ng city prosecutor at provincial prosecutor’s sa bansa.

Ayon kay Secretary Guevarra, kabuuang 61 na appointments ang natanggap niya mula sa Malacañang.

Pero kapos pa rin sa bilang ng mga piskal sa ibat-ibang lugar.


Partikular aniya sa Santa Rosa City Prosecutor’s Office na tatlo lamang ang prosecutor para sa higit anim na libong kasong hinahawakan.

Sa Santa Rosa City ay may 6 na Regional Trial Court at dalawang Municipal Trial Court in Cities o MTCC

Taliwas aniya ito sa nakasaad sa National Prosecution Service ng DOJ o ang Republic Act 10071 na dapat ay may dalawang prosecutors sa bawat RTC at isa sa kada MTCC.

Facebook Comments