Natanggap na Pera mula sa SAP, Dapat Gamitin sa Tama!

Cauayan City, Isabela- Pinaalalahanan ang bawat benepisyaryo na nakatanggap ng Social Amelioration Program mula sa pamahalaan na maging responsable sa paggamit ng nakuhang pera.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Edgar Guyod ng San Guillermo, Isabela, naibigay na ng DSWD sa mga kwalipikadong pamilya sa naturang bayan ang cash assistance mula sa gobyerno.

Hiling nito sa kanyang mga kababayan na nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP na gastusin sa tama ang nakuhang pera at huwag sayangin o ilaan sa mga iligal na gawain.


Kaugnay nito, nabigyan na rin ng mga relief goods ang mga residente ng San Guillermo gaya ng bigas, assorted groceries at tig-isang buong manok.

Samantala, hinihintay na lamang ang ibibigay na pondo ng pamahalaan para ipambili ng mga gamit ng RHU, para sa mga frontliners at sa mga constituent.

Facebook Comments