Manila, Philippines – Nagtapos na ngayong araw ang ika-34 na Balikatan Exercise.
Ang closing ceremony ay dinaluhan mismo ng mga matataas ng opisyal ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Leutenant General Emmanuel Salamat, Philippine Balikatan Exercise Director natapos ang mahigit isang linggong Balikatan sa bansa na may kapaki-pakinabang na resulta para sa mga sundalong Pilipino at Estados Unidos.
Nakatulong rin aniya ang Balikatan Exercise sa mahihirap na residente sa Northern Luzon dahil sa pamamagitan ng pagsasanay nakapagtayo ng limang mga bagong classrooms ang sundalong Pilipino, Amerika at ilang mga sundalong Japanese at Australian na kasama sa Balikatan Civic Activities.
Nakapaglagay rin sila ng drainage systems, sidewalks at water catchment systems sa mga piling eskwelahan sa Northern Luzon.
Nagkaroon rin ng Medical missions at spiritual enhancement activities sa mga lugar na isinagawa ang mga pagsasanay
Tiniyak naman ng pamunuan ng AFP at US Armed Forces patuloy na magandang samahan dahil sa pamamagitan ng Balikatan Exercise.
Ang Balikatan Exercise 2018 ay itinuon sa mutual defense, counterterrorism, at humanitarian assistance and disaster.