Manila, Philippines – Lumikas ang 26 na pamilya o 77 indibidwal dahil sa takot sa banta ng teroristang grupong Abu Sayyaf Group na panggugulo sa kanilang lugar sa Brgy. Cagawasan Kibawe Bukinon.
Ayon kay Capt. Norman Tagros ang tagapagsalita ng 403rd Brigade 4th Infantry Division ng Philippine Army binantaan ng NPA ng papatayin ang mga residente sa lugar makaraang bawiin nila ang kanilang suporta sa grupo.
Iinaakusahan aniya ng NPA ang mga residente sa lugar na mga military informants kaya natatakot silang baka patayin ng grupong NPA.
Nanatili ngayon sa Municipal hall ng Kibawe Bukidnon ang mga lumikas na pamilya at binibigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan habang mahigpit din silang binabantayan ng mga pulis.
Sinabi naman ni Brigadier General Eric Vinoya ang commander ng 403rd Infantry Brigade na ang pananakot na ito ng NPA ay pagpapakita ng kanilang pagiging duwag.
Tinitiyak naman ngayon ni Vinoya na kanilang nababantayan ang mga residente sa lugar sa tulong ng local authorities.