Patuloy pang bumababa ang natatanggap na tawag ng COVID-19 referral center na One Hospital Command Center.
Ayon kay OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan, naglalaro na lamang sa 200 na tawag kada araw ang kanilang natatanggap para sa medical assistance na may kinalaman sa COVID-19 kung saan mayorya rito ay mula sa Metro Manila.
Aniya, halo-halo na rin ang tawag na kanilang natatanggap dahil bumaba na rin ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero sa ngayon, naghahanda na sila para sa posibleng muling pagdami ng tawag bunsod na rin ng banta ng Omicron variant.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang training ng OHCC sa kanilang staff para sa mas maayos na referrals.
Facebook Comments