Tumataas na ang bilang ng mga tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC) bago ang nakatakdang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay treatment czar Leopoldo Vega, mula sa 90 tawag na natanggap ng hospital referral center sa unang linggo ng Hulyo ay umabot na ito sa 175 sa nakalipas na dalawang linggo.
Ibig sabihin, ayon kay Vega, dumarami ang nagkakasakit o nahahawaan ng COVID-19.
Aniya, karamihan ng mga tawag ay mula sa Metro Manila habang nakakatanggap din sila ng tawag mula sa Calabarzon at Central Luzon kung saan tumataas din ang kaso ng sakit.
Kaya bilang paghahanda sa ECQ at posibleng COVID-19 surge, nagdagdag na sila ng 110 call receivers sa OHCC, gayundin ng mga medical coordinators.
Itinaas na rin sa 1,123 ang intensive care units sa Metro Manila mula sa dating 739.
Samantala, maaaring tumawag sa OHCC sa mga sumusunod na numero:
0919-977-3333
0915-777-7777
02 886 505 00