Nagbunga ang sipag at determinasyon ng natatanging Dagupeñong opisyal ng Philippine Marine Corps (PMC) na piniling ipinadala sa Estados Unidos upang mag-aral sa Marine Corps Basic School.
Siya si PMC LT Mikko Angelo D. Agas, mula Malued Dagupan City at miyembro ng Naval Officer Candidate Course (NOCC) Class 39. Sumabak siya sa Basic Officer Course na isinagawa sa Marine Corps Base Quantico sa Virginia, USA mula August 4, 2025 hanggang March 13, 2026.
Sa loob ng pitong buwang pagsasanay, sumabak si Agas kasama ang mga opisyal mula sa Estados Unidos at iba pang kaalyadong bansa. Ang mga training na kanyang pinagdaan ay sumubok sa kanyang kakayahan, tibay, disiplina, at liderato sa ilalim ng matitinding sitwasyon.
Ang tagumpay ni Agas ay patunay ng kanyang dedikasyon bilang isang Marine, at bilang isang anak na iniaalay ang tagumpay sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang yumaong ama.
Inaasahan na magagamit ni Agas ang kanyang mga natutunan upang higit pang mapalakas ang marital capabilities sa bansa, habang tinutupad ang kanyang pangarap na maging isang mahusay na platoon leader at maglingkod nang buong husay sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










