Plano ng Department of Health (DOH) na magtayo ng 28 primary care facilities.
Sa press conference, inihayag ni Health Secretary Herbosa na ang mga itatayong pasilidad ay tatawagin national ambulatory and urgent care facility.
Aniya, hindi ito kahalintulad ng mga health station o rural health unit (RHU) kung saan ito ay mga ospital pero walang mga higaan o kama.
Paliwanag ni Herbosa, maihahalintulad ito na parang out-patient department (OPD) sa isang hospital at mas accessible ito sa publiko.
Sinabi pa ni Herbosa na maraming serbisyo ang maaari nang alisin sa hospital at ilalagay sa ambulatory services.
Ang planong itatayong pasilidad ay kayang mabigyan ng serbisyo ang nasa 3,000 pasyente kada araw kung saan may libreng gamot na ipapamahagi bukod pa sa serbisyo tulad ng OB-GYNE, x-ray, laboratory at iba pa.