Nangangamba ang National Basketball Coaches Association (NBCA) sa kinabukasan ng mga coaches sa NBA dahil sa mahigpit na patakaran at guidelines bunsod ng COVID-19 crisis.
Ayon kina NBCA Executive Director Dave Fogel at President Rick Carlisle, posibleng hindi makasama sa muling pagbubukas ng NBA ang ilang assistant coaches at ilang head coaches dahil mga senior citizens na.
Kabilang dito sina Houston Rockets Mike D’Antoni, New Orleans’ Alvin Gentry, at ang veteran coach ng San Antonio Spurs na si Gregg Popovich.
Umaasa naman ang grupo na magkakaroon ng espesyal na arrangement o pag-waive para sa mga may edad na mga coach lalo na at mahalaga sila sa laro na magsisimula sa July 30, 2020.
Facebook Comments