Muling nagbukas ang session ng National Board of Canvassers (NBOC) para sa pagbibilang ng mga boto para sa senatorial at party-list race.
Sinimulan ng NBOC ang Certificate of Canvass mula sa San Juan City.
Ang San Juan kasi ang kauna-unahang local board of canvasser na nakapag-transmit electronically ng mga resulta ng boto, kung saan tatlong oras matapos magsara ang botohan ay nakapagpadala na agad ang nasabing lungsod.
Nasimulan na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbibilang ng official votes mula sa pitong mga lugar.
Para mapabilis ang proceedings, naglagay ang NBOC ng dalawang lamesa sa harap para sa Certificate of Canvass sa senatorial race at sa party-lists.
Nakasaksi naman ang watchers ng mga kandidato at political parties sa pagbusisi sa COCs.