Pagpalya ng maraming VCMs, pinasisilip sa Kamara

53

Hinimok ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang Kamara na imbestigahan ang mga napaulat na pagpalya ng Vote Counting Machines o VCMs nitong nagdaang halalan.

Giit ng kongresista, maraming polling places sa mga siyudad at mga probinsya sa buong bansa ang nakaranas na depektibo ang mga makina.

Aniya, nagresulta tuloy sa disenfranchisement ng libo-libong mga botante ang nangyaring problema.


Mula aniya na mag-shift ang bansa sa automated election sa dating manual voting, hindi na natapos ang mga naranasan ng bansa na pagpalya ng mga makina at SD cards.

Obligasyon umano ng Kongreso na silipin ang mga napaulat na problema at magbigay ng solusyon sa pamamagitan ng lehislasyon o pagpaparusa at pagmumulta na ipapatupad ng Commission on Elections o COMELEC sa mga responsableng indibidwal o sa mismong automation service provider na Smartmatic.

Facebook Comments