Maaga palang bukas na itong PICC-Forum Facility kung saan isasagawa ang National Board of Canvassing ng mga balota.
Naka-deploy na sa ibat-ibang panig ng bansa ang lahat ng mga opisyal ng Comelec at ang mga Board of Election Inspectors na magsisilbi sa halalan.
Mas mataas ang bilang ng mga rehistradong botante ngayong taong ito na aabog sa 61,843,750 kumpara sa
54.36-Milyon noong 2016 o mataas ng 14%.
Ayon sa Comelec, sa naturang bilang…2-Milyon ang mga 1st time voters o mga bagong botante.
Sa kabuuan, mayroon tayong 62 Senatorial candidates
( 51 lalaki at 11 lang ang babae ).
Kung ikukumpara sa nakalipas na halalan noong 2016, mas kaunti ito sa 50 kandidato.
Sa nasabing bilang, 17 senatoriables ang independent.
Sa datos ng Comelec, aabot sa 18,068 National at local positions ang paglalaban-labanan ngayong Halalan.
Kumpiyansa ang Comelec na makapagpoproklama ito ng mga nanalong kandidato sa Local elections sa loob ng 24-36 hour matapos magsara ang mga polling Precincts sa buong bansa.
Target naman ng Komisyon na makapagproklama ng 12 senador sa loob ng 2 Linggo.