NATIONAL BREASTFEEDING AWARENESS AT FAMILY PLANNING MONTH, IDINAOS

CAUAYAN CITY- Ipinagdiwang ang National Breastfeeding Awareness Month at Family Planning Month sa bayan ng Quezon, Isabela.

Ito ay pinangunahan ng Rural Health Unit ng Quezon kung saan layunin nito na maipabatid sa bawat pamilya ng Quezon ang kahalagahan ng breastfeeding at family planning.

Nagbahagi naman ng Information, Education, at Communication sa mga dumalo patungkol sa breastfeeding at family planning Adolescent at Oral Health na may temang: Panalo ang Pamilyang Planado! Tara, Usap tayo sa Family Planning.


Kabilang naman sa dumalo ay ang Women of Reproductive Age (WRA), mga nanay na kasalukuyang nagpapasuso, at mga mamamayang gumagamit ng Family Planning.

Facebook Comments