Manila, Philippines – Nakatakdang isalang sa ikalawa at huling pagbasa ng Senado ang 3.7 Trillion Pesos proposed National Budget para sa susunod na taon bukas, November 28.
Ayon kay Finance Committee Chairperson, Sen. Loren Legarda – alas-10:00 ng umaga gagawin ang budget amendment at inaasahang maaprubahan agad ito.
Inaasahan ding ipiprisinta ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga proposal nito kung saan mapupunta ang 900 million pesos na budget sana ng PNP para sa kampanya kontra droga.
Samantala, ipagpapatuloy ngayong araw ang pag-amyenda sa package 1 ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill.
Facebook Comments