BARANGAY AT SK ELEKSYON | Huling 4 na araw para magparehistro, ipinaalala

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na mayroong apat na araw na lamang para magparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez – matatapos na sa Huwebes, November 30 ang voters registration kaya mainam na gamitin ang mga natitirang araw para magparehistro.

Apela pa ni Jimenez – iwasang magparehistro sa mismong huling araw para maiwasan ang pagkakaroon ng mahabang pila.


Bukas (open) ang mga COMELEC local offices mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments