National budget ng Pilipinas sa 2025, inirekomendang itaas sa ₱6.2 trillion

Pinatataasan ng Development Budget and Coordination Committee (DBCC) ang national budget ng Pilipinas sa taong 2025.

Sa Malacañang press briefing, inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na inirekomenda ng DBCC na gawing ₱6.2 trillion ang pambansang budget sa susunod na taon, mula sa ₱5.768 trillion na General Appropriations Act ngayon 2024.

Paliwanag ni Balisacan, nakatutok pa rin kasi ang government spending mga high-impact at transformative public infrastructure projects at essential social services para sa mahihirap at vulnerable sector.


Layunin din aniya ng proposed budget na suportahan ang Build, Better, More Program ng administrasyong Marcos upang mapanatili ang infrastructure spending sa pagitan ng 5 to 6% ng GDP mula 2024 hanggang 2028.

Ngayong taon ay naglaan ng ₱1.5 trillion ang pamahalaan para sa Build, Better, More Program.

Sa ilalim ng naturang proyekto, magtatayo ng mas maraming imprastraktura ang pamahalaan, partikular sa mga malalayong lugar, tulad ng mga kalsada, riles, mass transport at flood control projects.

Facebook Comments