Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang surge ng COVID-19 sa National Capital Region hanggang sa ngayon.
Ito ang naging tugon ni DOH-NCR Epidemiology Director Dr. Manuel Mape II matapos ang rekomendasyon ng OCTA Research group na magpatupad ng dalawang linggong circuit-breaker lockdown.
Paliwanag ni Mape, sa kabila ng pagtaas ng mga kaso sa ilang lungsod sa Metro Manila ay hindi pa ito maituturing na surge at ibinabatay umano nila ito sa tinatawag na Average Daily Attack Rate o ADAR.
Sa kasalukuyan, umakyat na sa 1.33 ang COVID-19 reproduction rate sa NCR kung saan nakakaranas ng pagsipa ng kaso ang Las Piñas, Makati, Pasig at San Juan.
Facebook Comments