Muling isinailalim sa General Community Quarantine with heightened restrictions ang National Capital Region simula ngayong araw.
Batay sa anunsiyo kanina ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magsisimula ito ngayong araw hanggang sa Hulyo 31 2021.
Bukod sa NCR, nakasailalim din sa GCQ with heightened restrictions ang Davao de Oro, Davao del Norte, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Ayon kay Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force dahil sa banta na rin ng COVID-19 Delta variant.
Matatandaang kahapon ay kinumpirma ng Department of Health na nagkaroon na ng local transmission ng mas nakakahawang Delta variant
Facebook Comments