National Capital Region, nasa “critical risk” na sa COVID-19

99

Nasa “critical risk” na sa COVID-19 ang National Capital Region.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ay matapos na umabot na ngayon sa 1,475% ang two-week growth rate sa NCR.

Kasunod nito, pumalo na rin aniya sa 8.79 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa rehiyon dahilan upang ilagay ito sa pinakamataas na risk classification.


Samantala, nasa ilalim na rin ngayon ng “high risk” ang CALABARZON matapos makapagtala ng 557 percent na two-week growth rate.

Facebook Comments