Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang National Center for Mental Health (NCMH) hotline.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layon nitong mabigyan ng counselling ang mga nakakaranas ng krisis sa buhay gaya ng depresyon, drug abuse, identity crisis, school at career issue at iba pa.
Aniya, libre at bukas anumang oras ang hotline na 0917-899-8727 at 989-8727 kung saan may mga ekspertong sasagot depende sa pangangailanagan ng tatawag.
Tiniyak rin ni Duque na magiging confidential ang mga tawag.
Una nang sinabi ni Duque, na mayroong 3.5 milyon na Pinoy o halos 4 na porsiyento ng populasyon ang dumaranas ng mental health issues.
Sa datos naman ng World Health Organization (WHO), mayroong 800,000 katao ang nagpapatiwakal taon-taon.
Ikalawa rin ito sa mga dahilan ng pagkasawi ng mga nasa edad 15-29-anyos ang suicide.