NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2022, GINANAP SA INFANTA

Ginanap ang 30th National Children’s Month na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating tutukan”para sa taong 2022 sa bayan ng Infanta.
Ang programa ay may layunin na kilalanin ang mga kakayahan ng mga bata sa iba’t-ibang larangan. Kabilang isinagawang aktibidad ang singing contest, draw and tell, family tiktok at panatang makabata na pinangunahan ni Municipal Child Representative Ashley Myles M. Mirador.
Ang Children’s Month Celebration ay nagsisilbi rin na daan para makapaghatid ng masaya, payapa, at makabuluhang lugar upang patuloy na mapalago ang mental at social skills ng mga bata na malaki ang maitutulong sa kanilang adulthood.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng MSWD Office kasama ang iba’t-ibang Child Development Workers ng bayan.
Kabilang sa mga dumalo sina Hon. Mayor Marvin Martinez, Hon. Councilor Michelle Callanta at PCPT Higardo V. Sapiera. |ifmnews
Facebook Comments