NATIONAL CHILDREN’S MONTH | 700 kabataan at mga magulang, nagmartsa sa advocacy walk sa Maynila

Manila, Philippines – Aabot sa 700 kabataan at mga magulang ang nagmartsa sa advocacy walk sa pagdiwang ng national children’s month sa Maynila.

Ang advocacy walk ay inorganisa ng Kaibigan Ermita Outreach Foundation Incorporated (KEOFI) kung saan layon nilang labanan ang pang-aabuso, bullying, at teenage pregnancy.

Aabot sa 2.5 kilometro ang nilakad ng mga lumahok mula Sta. Ana, San Andres Bukid at Tondo, Maynila para isigaw ang kanilang adhikain.


Hindi laruan kung hindi mga karatula ang hawak ng mga kabataang nanghihimok ng kamalayan laban sa pang-aabuso.

Base kasi sa pag-aaral ng grupo, kapansin-pansing tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng pang-aabuso sa lugar.

Nagkaroon din ng forum para maturuan ang mga kabataan sa kanilang mga karapatan at maiwasang maging biktima ng pang-aabuso.

Facebook Comments