General Santos City—Hindi katanggap tanggap ang nangyaring pagsabog sa Jolo Sulu na ikinamatay ng 27 biktima at 77 pa ang nasugatan noong araw ng linggo. Ito ang naging pahayag ng National Commission on Muslim Filipino sa pamamagitan ng kanilang head na si Atty. Guialil Canda.
Sinabi nito na mahigpit nilang kinokondina ang nangyaring pagsabog at kung may mahigit pa sa salitang pagkondina ay kanilang gagawin dahil kawawa umano ang mga sibilyan na syang naging biktima ng karahasan.
Dagdag pa ni Canda na dapat habolin ng gobyerno ang mga responsible nito para mabigyan naman ng hustisya ang mga biktima.
Samantala kinondina din ng Regional Peace and Order Council ng Region 12 ang nasabing pagsabog. Sinabi ni Sultan Kudarat Governor Pax Pangudadatu na syang Chairman ng RPOC-12, dapat paigtingin pa ang seguridad sa lahat ng lugar sa Mindanao laban sa mga terrorist group.
Dapat din kumpiskahin ang lahat ng hindi lesensyadong baril para maiwasang gamitin ito sa ano mang karahasan.