National Convention ng Kilusang Bagong Lipunan o KBL, isasagawa bukas

292

Isasagawa bukas ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ang kanilang national convention kung saan ihahayag nito ang mga magiging kandidato para sa nalalapit na 2022 presidential election.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Larry Gadon kasunod ng pagsasabing isa siya sa mga magdedeklara ng intensyon na kumandidatong senador sa ilalim ng partido ng KBL.


Ang KBL ang siyang political party ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na inaasahang mag-aanunsyo bukas ng kaniyang magiging desisyon.

Ayon kay Gadon, magsasagawa ng national convention bukas ang KBL kung saan i-e-endorso nila bilang kandidato sa pagka-presidente sa 2022 presidential election si Marcos.

Gagawin ang convention ng KBL sa Thunderbird Resort sa Binangonan, Rizal na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga.

Si Gadon ay muling susubok na kumandidatong senador at hindi raw siya aatras kahit ilang beses na siyang natalo.



Siya rin ang tumayong complainant sa impeachment complaint laban kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na naalis sa pwesto.

Facebook Comments