Cauayan City – Nagsimula ngayong araw ang pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week 2024 sa Cauayan City District Jail.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Cauayan City District Jail Warden Jail Chief Inspector Emerald Hombrebueno, iba’t-ibang aktibidad para sa mga Persons Deprived of Liberty ang nakapaloob sa selebrasyong ito.
Aniya, pinakalayunin ng programang ito na gunitain at kilalanin ang bawat isang PDL dahil bagamat nasa loob ng piitan ay mayroon pa rin silang karapatang pantao na dapat ay nirerespeto at binibigyang halaga.
Dagdag pa nito, malaki ang naitutulong ng programang ito para sa mga PDL dahil bukod sa sila ay nabibigyan ng libangan, ito rin ang isa sa mga pagkakataon na naipaparamdam sa kanila na sila ay bahagi pa rin ng ating lipunan.
Ilan lamang sa highlights ng aktibidad na ito sa Cauayan City District Jail ay ang pagkakaroon ng seminars, outreach programs and culminating activities, sport fest, bingo party, at banchetto kasabay ng pagdiriwang ng family day.