Ipinasilip ni Miss World Philippines Tracey Perez ang kaniyang national costume sa kompetisyon.
Sa pamamagitan ito ng kaniyang Instragram account kung saan ang tema ng costume ay“Moon Goddess Mayari” na idinisenyo ni Axel Que.
Napuno ng kulay berde, purple, at puti ang full-body dress ni Perez na pinalamutian pa ng mga tassel, bulaklak at perlas.
Kinumpleto naman ito ng mga alahas na gawa ni Christopher Munar at sapatos na ginawa ni Jojo Bragais.
Gaganapin ang coronation night ng Miss World 2021 sa Puerto Rico sa Disyembre 17.
Facebook Comments