National Dairy Authority for Northern Luzon, Itatayo sa isang Unibersidad sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Itatayo sa Isabela State University-Echague Campus ang National Dairy Authority-Northern Luzon Department.

Ito ay matapos ang ginawang rekomendasyon ni dating ISU Vice President for Research and Development, Extension and Training (VP-RDET), ngayo’y Department of Agriculture Assistant Secretary for Livestock, Dr. William C. Medrano.

Ayon kay ISU President Dr. Ricmar Aquino, malaki ang maitutulong sa unibersidad para mapalawak pa ang dairy production at makapag-ambag na rin sa programa ng Department of Agriculture ng sapat na suplay ng dairy products sa rehiyon maging sa buong bansa.


Aniya, malaki ang potensyal ng Probinsya ng Isabela sa dairy milk sa kabila ng nagpapatuloy na programa ng provincial government sa pagbibigay ng sariwang gatas para sa mga guro at mag-aaral.

Sinabi naman ni Deputy Administrator of NDA Mr. Farrell Benjelix C. Magtoto na malaki ang gampanin ng industriya ng gatas sa bansa para sa susunod na henerasyon.

Hinihikayat ni Magtoto ang lahat ng State Universities and Colleges at Local Government Unit na mamuhunan sa dairy industry sa kabila ng sitwasyon ng ekonomiya.

Sa ngayon, ang NDA-Northern Luzon ay nananatili sa Marilao, Bulacan na siyang nangangasiwa sa mga NDA satellite office gaya ng Tarlac, Pangasinan,Nueva Ecija, Cagayan at Isabela.

Facebook Comments