*Manila, Philippines – **‘Generally peaceful’* ito ang idineklara ng Philippine National Police (PNP) matapos ang National Day of Protest kahapon.
Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, walang kaguluhang na-monitor sa buong Metro Manila at iba pang panig ng bansa.
Aminado si dela Rosa na nalugi ang mga nagpondo sa mga nagra-rally dahil sa kakaunting bilang nito base sa kanilang intelligence report.
Nabatid na aabot sa 600 pulis ang inilatag ng mga pulis sa ilalim ng task force manila shield na naka-sentro sa Quirino Grandstand, People Power Monument, Quezon City Circle, Mendiola at Plaza Miranda.
Samantala, aabot naman sa higit 20,000 raliyista nagkilos protesta mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Facebook Comments