National day of protest, idineklara ng pangulo sa Septembre 21

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya idedeklarang holiday ang September 21 o anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.

Ayon kay Pangulong Duterte, sususpendihin lamang niya ang pasok sa mga trabaho sa gobyerno at eskwelahan para sa inaasahang malawakang kilos protesta.

Una nang tiniyak ni NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde na nakahanda ang mga kapulisan sa mga gaganaping pagkilos sa Metro Manila.


Aniya, may sapat silang bilang ng mga pulis para magbantay at panatilihin ang kaayusan sa kasagsagan ng kilos protesta.

Facebook Comments