Pondong nakalaan sa Commission on Human Rights, nais gamitin ni Pangulong Duterte na pambili ng mga body cameras para sa mga pulis

Manila, Philippines – Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipambili ng body cameras para sa mga pulis ang pondong nakalaan sa Commission on Human Rights.

Ayon kay Pangulong Duterte, sapat na ang 600 million pesos para sa makabagong camera na kasing laki lamang ng butones.

Magagamit din ang camera bilang sagot sa isyu ng pang-aabuso ng mga pulis sa kanilang operasyon.


Nabatid na inaprubahan sa kamara ang 1,000 pesos na budget ng CHR sa susunod na taon habang 678 million pesos ang nakabinbing pondo sa Senado.

Facebook Comments