Manila, Philippines – Kasado na ang seguridad sa gagawing National Day of Protest ngayong araw.
Ito’y kasabay ng paggunita ng anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, tinututukan nila ang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na posibleng humalo sa mga raliyista.
Nagpakalat na rin ang PNP ng 600 pulis na magbabantay sa seguridad sa kilos protestang ikakasa ng mga grupong Lumad sa Quezon City Circle, Plaza Miranda at Mendiola sa Maynila.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – tinatayang aabot sa 10,000 raliyista ang inaasahan nila ngayong araw na kinabibilangan ng mga pro at anti-Duterte.
Babantayan din ang grupong kadamay, re-affirmist at rejectionist.
Bagamat hindi aarmasan ang mga pulis, bibigyan ang mga ito ng helmet at shield para maiwasan ang gulo.
Nagtalaga na rin sila ng mga mobile jail, fire trucks sakaling maging bayolente ang ilang raliyista.
Tiniyak naman ng PNP na mahigpit na ipapatupad ang maximum tolerance para hindi na maulit ang nangyaring tensyon sa United States Embassy sa Maynila.