National Defense Secretary Gilbert C. Teodoro, Jr. bumisita sa lalawigan ng Ilocos Norte at Cagayan, bagong kampo ng AFP ipapatayo

iFM News Laoag – Binisita ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang lalawigan ng Ilocos Norte at ang Calayan Island sa Cagayan lulan sa Black Hawk Helicopter ng Philippine Airforce.
Dalawa ang pakay ng kalihim sa dalawang lalawigan, una ay kasiguradohan sa kaligtasan ng mga mamayan sa hagupit ng bagyong Egay sa mga nakalipas na linggo. Pangalawa ay ang seguridad ng Hilagang Luzon at mapanatili ang kapayapaan sa karagatan at iba pang mga teretoryo ng bansang Pilipinas.
Sa kanyang pagbisita sa Ilocos Norte, inalala niya ang katapangan ni dating Governor Roque Ablan, Sr. sa kanyang kagitingan sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan sa lalawigan at ginunita ang kanyang maika-117 kaarawan sa Laoag.

Sa kanya namang pagbisita sa Bayan ng Calayan sa Lalawigan ng Cagayan, sinigurado ng kalihim na magpapatayo ang pamahalaan ng dagdag na base militar sa nasabing lugar dahil ito ay nasa pinakamalayong bahagi ng Pilipinas at malapit na ito sa bansang Taiwan, Hongkong at China.
Ayun kay Mayor Joseph Llopis ng Calayan, naglaan ng lupa ang lokal na gobyerno para sa Department of National Defense na aabot sa 25 ertarya.
Dagdag ni Secretary Gibo na kailangan ang presensya ng mga kawal ng gobyerno upang mabantayan ang Isla na pagmamay-ari ng bansang Pilipinas sa ilalim ng Archipelagic Doctrine na magiging gabay at bantay na lupaing sakop ng Bansang Pilipinas para sa susunod na henerasyun. | via Bernard Ver @ RMN News
Facebook Comments