Manila, Philippines – Bukas ang National Democratic Front sa mungkahi ni DENR Secretary Gina Lopez na makipag-coordinate at humingi ng tulong sa New People’s Army para labanan ang mapaminsalang pagmimina sa bansa.
Sa kalatas na ipinalabas ng NDFP, sinabi ni Allan Jaszmines, NDFP consultant, na handa ang National Democratic Front peace panel na makipagdiyalogo kay Lopez kaugnay ng kaniyang input para sa balanseng paggamit ng nalalabing yamang mineral sa bansa.
Sinabi ni Jasmines na ang input ni Lopez ay isang positibong hakbang patungo sa direksyon ng pagkamit ng tinatawag na genuine social economic development.
Sa ngayon aniya ay naabalot ng takot ang mga katutubo na naninirahan sa mga lugar na may mga destructive mining.
Facebook Comments