CCP Complex, nagmistulang kampo ng militar dahil sa dami ng trak ng mga sundalo at pulis na nakapaligid para sa pagtiyak ng seguridad sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Nagmistulang kampo na ng militar ang paligid ng Cultural Center of the Philippines Complex dahil sa nakatambak ang mga trak ng mga sundalo at pulis bilang bahagi ng pagtiyak ng seguridad para sa delegadong dadalo sa 30th ASEAN Summit.

Sa Pedro Bucaneg St. na karugtong ng Vito Cruz ay naka-deploy naman ang isang batalyong anti-riot squad ng PNP.
Kaninang alas-6 naman ay sinara na sa mga motorista ang kahabaan ng Bucaneg, at Sotto (harap ng Star City) hanggang sa circle ng Coconut Palace, ang kahabaan ng Jalandoni hanggang sa Bucaneg.

Ang mga galing sa Macapagal Blvd. ay makapapasok pa hanggang Jalandoni ngunit hindi na makatutuloy ng hanggang Bucaneg.


Ang mga five star hotel sa Pasay city, Makati City at Maynila ay bantay sarado na rin ng mga pulis.

Pakiusap naman ng mga otoridad sa media, huwag na tukuyin ang mga pangalan ng mga hotel para sa seguridad ng mga delegado.
DZXL558

Facebook Comments