National Democratic Front, inireklamo ng pamahalaan sa Norway dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army

Manila, Philippines – Inireklamo ng peace panel ng pamahalaan sa Norwegian Government ang National Democratic Front of the Philippines dahil sa ginawang pag-atake kamakailan ng New People’s Army sa kasagsagan ng peace talks.

Ayon kay Government Peace Panel Chairman Silvestre Bello III, nabigyan na nila ng kopya ng nasabing reklamo ang Norway dahil ito ang nagsisilbing facilitator ng peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at NDFP.

Dagdag ni Bello, hindi niya palalampasin ang mga pag-atake ng npa at makikipagkita siya sa Chairman ng NDFP para pagpaliwanagin ito tungkol sa isyu.


Sabi pa ni Bello, lumalabas na wala ng kontrol ang NDFP sa NPA kaya patuloy pa rin ang mga ginagawa nitong pag-atake sa kabila ng umiiral na peace talks.

Iniutos na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon pero hindi naman ito nagpahiwatig ng kagustuhang ihinto ang peace talks.

DZXL558

Facebook Comments