Manila, Philippines – Itinanggi ng National Democratic Front na may alyansa ang New People’s Army sa Maute Group.
Ito’y matapos magbabala ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong niya si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison at iba pang lider ng CPP-NPA-NDF na una nang pinalaya ng gobyerno oras na bumalik ang mga ito sa bansa.
Ayon kay NDF Chairman Fidel Agcaoili, maling impomasyon ang natatanggap ng pangulo.
Sa katunayan aniya ay handa ang CPP-NDF na tulungan ang pamahalaan na labanan ang Maute Group.
Sinabi naman ni Sison na kasalukuyan silang kumukonsulta sa kanilang mga abogado para sa kanilang magiging hakbang sa banta ng pangulo.
Mananatili aniya sa Holland ang mga NDF consultant hangga’t walang malinaw na direktiba ang kanilang mga abogado at ang Malakanyang hinggil sa arrest order ng pangulo.
DZXL558