National Democratic Front of the Philippines, handang makipag-usap kay Vice President Leni Robredo para sa isyu ng kapayapaan sa bansa sa gitna ng banta ng COVID-19

Handang makipag-usap ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na political arm ng Communist Party of the Philippines (CPP) kay Vice President Leni Robredo.

Ito’y para talakayin ang negosasyon para sa kapayapaan sa pamahalaan sa gitna ng nararanansang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Julie de Lima, Interim Chairperson ng NDFP Negotiating Panel, bukod sa pamahalaan, nakikipag-dayalogo na din sila sa iba pang partido gaya ng oposisyon paritkular ang Liberal Party.


Aniya, posible at maaari pa din mapag-usapan ang negosyasyon para sa kapayapaan sakaling matapos o hindi ang termino ng pangulong rodrigo duterte kung saan nais din nilang isama sa usapan ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Dagdag pa ni de lima, sa ilalim ng nasabing agreement, mayroon itong probisyon para tulungan maisakatuparan ang ilang hakbang sa isyu ng COVID-19 pandemic at bukod dito, nakatuon din ang nasabing usapin sa pagsiguro sa kalusugan ng bawat mamamayan.

Sa huli, sinabi ni de lima na ang NDFP at ang pamahalaan ay maaaring pag-usapan ang iba pang mga hakbang sa pagharap sa pandemya kung saan maari din nilang pag-aralan ang mga positibo at negatibong nagawa ng ibang bansa at ng international agencies sa pag-responde at pagharap sa COVID-19 gayundin ang iba pang pandemya.

Facebook Comments