National Election Monitoring Action Center (Nemac) Ng Philippine National Police (Pnp), Binuksan Na

16

MANILA – Binuksan na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang National Election Monitoring Action Center (NEMAC).Dito ipadadala ang lahat ng mga situational report mula sa lahat ng mga pulis na nakakalat sa ground sa iba’t ibang bahagi ng bansa.Ayon kay Police Deputy Director General Danilo Constantino, ito ang magsisilbing central monitoring center kung saan makikita ang mga pangyayari sa mga lugar na pinagdarausan ng eleksyon ‘in real time’.Aniya, sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang pagtugon sa anumang emergency situations sa isang lugar na nangangailangan ng pahintulot o gabay mula sa national headquarters.

Facebook Comments