Kampo Ng Pinay Convict Na Si Mary Jane Veloso, Nanawagan Sa Administrasyong Aquino Na I-Renew Ang Clemency Para Maalis N

13

MANILA – Nanawagan ang kampo ni Mary Jane Veloso sa administrasyong Aquino na i-renew ang panawagan ng Pilipinas para sa clemency para tuluyan na itong maalis sa death row sa Indonesia.Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL) na humahawak sa kaso ni Veloso, panahon na para buksan at paigtingin ang panawagang pagpapalaya sa kababayan dahil sa anim na taon na nitong pananatili sa death row.Nabatid na ngayong taon ay magkakaroon ang Indonesia ng panibagong round ng execution isang taon matapos i-firing squad ang ilang foreign drug traffickers kung saan nailigtas si Veloso matapos pagbigyan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas.Sa ngayon ay hindi kinumpirma kung kailan at kung kasama ang kababayan sa mga bibitayin.

Facebook Comments