National Federation of Sugar Workers, nababahala sa epekto ng sugar importation sa kanilang sektor

Nababahala ang National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa epekto ng napipintong pag-aangkat ng asukal sa mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Ayon kay John Milton Lozande, secretary general ng NFSW, nanganganib na mapilitang magbenta ng kanilang mga bukid sa mga panginoong may lupa kapag hindi na mapipigilan ang importasyon ng 200,000 metric tons ng asukal simula peak harvest season.

Ani Lozande, nasa 70 percent na umano ng mga ARBs ang nagbenta na ng kanilang lupa dahil sa pagbagsak ng kanilang kabuhayan.


Aniya, ang problema sa suplay ng asukal ay resulta ng matagal na panahong kawalan ng aksyon sa hirit na subsidiya sa fuel at farm inputs ng mga sugar farmers.

Facebook Comments