60-ANYOS NA LALAKI, TIMBOG MATAPOS UMANONG GAHASAIN ANG MENOR DE EDAD; BIKTIMA, NABUNTIS

Cauayan City, Isabela- Tuluyan ng inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang isang 60-anyos ns lalaki matapos magtago sa batas ng halos anim na taon sa kasong 2 counts of Rape sa Barangay Guinatan, City of Ilagan, Isabela nitong Pebrero 16, 2022.

Kinilala ang suspek na si Elmer Constantino, residente ng Cabisera 23 sa naturang lungsod na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person.

Batay sa report ng PNP Ilagan, nangyari ang insidente noong June 2015 at nai-report lang noong February 2016 nang ang biktima ay menor de edad pa lamang at nadiskubreng pitong buwan itong buntis.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997 in relation to Republic Act 7610 or Anti-Child Abuse Law na walang inirekomendang piyansa.

Facebook Comments