National Festival of Talents sa City of Ilagan, Pormal nang Binuksan!

Cauayan City, Isabela- Pormal at matagumpay na binuksan kagabi ang National Festival of Talents (NFOT) sa City of Ilagan sa Lalawigan ng Isabela.

Dinaluhan ito ng halos 7 libong katao mula sa 17 rehiyon ng Bansa kasama ang NCR, Bangsamoro Autonomous Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Bagamat hindi nakadalo si DepED Secretary Leonor Briones na siya sanang magsisilbing Key note Speaker ay nakadalo naman si USEC Diosdado San Antonio na siyang kumatawan sa Kalihim.


Sinaksihan din ito ni City of Ilagan Mayor Jose Marie Diaz, board member Emmanuel Delfinito “MM” Albano na kumakatawan kay Gov. Rodito Albano.

Kasama rin sa magarbong opening ceremony si DepED Regional Estella Cariño at iba pang mga Director mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.

Sa welcome message, binigyang diin ni Mayor Diaz ang NFOT bilang isang unifying factor para sa lahat ng rehiyon.

Isa aniya itong paraan para malinang ang kakayahan ng mga estudyante upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Kinilala din alkalde na isa itong makasaysayang event para sa Lungsod.

Samantala, ayon naman kay USEC Diosdado San Antonio, ang NFOT ay selebrasyon ng biodiversity na pagkilala sa iba’t-ibang kulutura at nagsisilbing daan upang magbuklod-buklod ang bawat Pilipino.

Facebook Comments