National Festival of Talents, tuloy pa rin sa kabila ng banta ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Pinaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng City of Ilagan ang publiko na gawin ang ibayong pag iingat para makaiwas sab anta ng COVID-19.

Kasabay ito ng pagdaraos bukas ng National Festival of Talents (NFOT) hanggang sa Marso 13, 2020.

Ayon kay City Mayor Josemarie Diaz, panatilihin ang kalinisan sa katawan upang makaiwas sa kahit anumang uri ng sakit gayong laganap ang usapin sa COVID-19.


Magpapatupad aniya ng ibayong pag iingat sa publiko at mangyaring sundin ang ilang precautionary measure para makaiwas sa anumang uri ng sakit at kinakailangan ang pagsusuot ng facemask ng mga delegado at pagkakaroon ng mga personal protection sa bacteria/ virus laban sa Coronavirus Disease (COVID 19).

Sa kabila nito, tiniyak din ng alkalde ang kapakanan ng mga empleyado ng cityhall kaya’t bilang tugon ay bumili ang LGU ng thermal scanner para masigurong walang mahahawaan ng kahit anong sakit.

Facebook Comments